Pandaigdigang Uso 2025

Translate this post

Taon-taon, habang sinisimulan ng Pundasyong Wikimedia ang kanilang taunang plano para sa susunod na taon, bumubuo kami ng isang listahan ng mga uso na pinaniniwalaan naming maaaring magdala ng makabuluhang epekto sa konteksto kung saan gumagana ang kilusang Wikimedia at ang mga proyekto nito. Tinutukoy namin ang mga tiyak na online na kausohan na pinakanaiuugnay sa aming layunin, tulad ng mga pagbabago sa kung paano at saan hinahanap at nagaambag ang mga tauhan ng online na kaalaman, ang paglaganap ng disimpormasyon sa mga online na lugar, at ang umuunlad na regulasyon ng mga online na tagalaan ng impormasyon. Pinapayagan kami ng pagsusuring ito na simulan ang aming pagplano sa gumagabay na tanong na, “Ano ang kinakailangan ng munda sa Wikimedia sa ngayon?”

Ang tanong na ito ay isang puwersang nagtutulak ng mga usapan namin tungkol sa at sa loob ng kilusan. Tulad ng mga nakaraang tanong, ipinapakita ng mga kausohan sa ilalim kung paano lamang na nagiiba ang kasalukuyang teknolohikal, heopolitikal, at sosyal na kapaligiran sa mnga sinaunang araw ng Wikipedia, at ang paraan na dapat tayo tumuloy na umangkop at umunlad. Bawat isa dito ay maghuhugis ng aming taunang plano at pati na rin ang mga estratehiya na makakaapekto ng ating kinabukasan—mula mas mabuting pagpropekta ng mga taga-Wikimedia gamit ang mga malakas na kagamitang teknolohikal at mga hakbang sa tiwala at kaligtasan hanggang mga pagsusubok na nagdadala ng mga nilalaman ng Wikimedia sa madla gamit ang mga panibagong paraan.

Pagbabago sa kung paano at saan naghahanap at nagaambag ang tauhan ng kaalaman

Ang tiwala sa online na kaalaman ay lumulubog at ang sama-samang kasunduan ng aling kaalaman ang totoo at pinaniniwalaan ay bumibiyak. Noong nakaraang taon, napansin namin na ang mga konsumidor ay nalulunod sa mga kaalaman na online at lalong ninanais na ito ay pinagsama-sama ng mga katiwalang tauhan. Mula magbukas ang mga pangkalahatang-ideya ng Google AI at ang mga iba pang produktong sa-AI na pananaliksik, maraming tao na naghahanap ng kaalaman sa web ay tinutulungan ng AI. Gayon pa man, ang mga paraan ng pananaliksik na tinutulungan ng AI ay hindi parin umaabot sa mga iba pang paraan kung saan nahahanap ng mga tao ang kaalaman (hal., mula kinaugalian na plataporma pangpananaliksik o sa mga sosyal na plataporma). Ngunit nakikita din namin na ang kausohan na napansin namin noong huling taon sa pag-asa sa mga katiwalang katauhan ay lumalakas: ang mga tao ngayon ay karagdagang nagiging nagdududa sa mga kinaugaliang awtoridad ng kaalaman, tulad ng mga bahagi ng gobyerno at ang mediya, at sa halip nito ay lumilingon sa mga online na personalidad, na mayroong kasalukuyang mas malakas na epekto sa mga pinaniniwalaan ng mga tao. Ang mga online na personalidad (hal., mga podcaster, vlogger) sa mga sosyal na plataporma ay may malakas na sumasama sa mga mahalagang kaganapan tulad ng mga halalan sa buong daigdig. Sa pagsikap na hanapin ang mga personalidad na ibinabahagi ang kanilang ideolohiya at demographiko, mas lalong napapasok ang mga tao sa nasasariling pangkat kung saan binibiyak ang sama-samahang pagkaintindihan ng mga katunayan.

Sabik na makilahok ang mga tao sa mga onlie na espasyo na nagbibigay ng makasiyahang pag-uugnay. Bilang isang website na umaasa sa mga ambag at oras ng daan-daang taga-Wikimedia, malapitang sinusubaybayan namin ang mga uso na lugar at paraan na nagaambag ang mga tao sa online. Noong nakaraang taon, itinampok namin na marami na ang makasiyahan at mabisa na paraan para sa mga tao na magbahagi ng kaalaman sa online. Ngayong taon, napapansin namin na ang mga tao sa buong daigdig ay sabik na sumama at magbahagi ng kanilang kaalaman at kadalubhasan sa mga mas maliit na nakabatay sa interes na mga grupo (sa mga plataporma tulad ng Facebook, WhatsApp, Reddit, at Discord). Ang mga espasyo na ito ay mas sumisikat sa buong daigdig at mas nakakaginhawa sa pakikisama sa halip ng malawakan at pangkalahatang sosyal na lagusan. Isang nakatuon na ubod na mga kusang-loob ang nagpapanatili ng mga pamayanang ito, at nagbibigay ng mga mahalagang gawain tulad ng pangangasiwa at pagturo ng mga bagong dating.

Mas lalo na sa kabataan, nagiging isang espasyo ng pakikibahagi ang paglalaro na lumalaban sa mga sosyal na mediya. Ang mga pamayanan ng manlalaro ay ngayon ay nabuo sa mga plataporma tulad ng Discord at Twitch, kung saan ang mga tao ay aktibong nakikigawa at nakikilahok – nagaayos ng mga kaganapan at nangangasiwa ng mga gawa at ugali ng mga tagagamit – hindi lang maglaro. Ang mga platapormang ito ay sanasamantala ang mga laro upang puwersahin ang paggamit ng mga tao sa mga walang kaugnayan na mga produkto, tulad ng matagumpay at lumalaking bahagi ng mga laruan ng The New York Times.

Bilang lang ang oras ng mga tao na gumastos sa mga online na gawain, at hinihinala namin na isang sanhi ng pagbawas ng numero ng mga panibagong katauhang nagrerehistro upang maging patnugot sa mga proyektong Wikimedia – na nagsimula noong 2020–2021 hanggang ngayon – ay maaaring nakaugnay sa lumalaking kasikatan at kaakitan ng pakikilahok sa ilan sa mga ibang maksiyahang online na espasyo.

Panibago sa pamamahagi at pamamahala ng online na kaalaman

Ang digital na kaalaman na ginawa at napatunayan ng mga tao ay isa sa pinakamahalagang kagamitan sa giyera ng mga plataporma ng AI na teknolohiya. Noong nakaraang taon hinula namin na gagamiting sandata ang AI sa pagbuo at pagkalat ng online na huwad na kaalaman. Ngayong taon, nakikita namin na ang mababang kalidad na nilalamang AI ay bumubulwak hindi lamang upang kumalat ng huwad na kaalaman, ngunit para rin sa isang pakanang yumaman ng mabilis, at tinatabunan nito ang internet. Ang mataas na kalidad na kaalaman na mapagtitiwalaang gawa ng tao ay nagiging isang lumiliit at mahalaga na kalakal na pinaguunahan ng mga teknolohikal na plataporma na kayurin mula sa web at ibahagi gamit ang mga panibagong paraan ng pananaliksik (parehong sa AI at sa kinaugaliang pananaliksik) sa kanilang mga plataporma. Ang mga naglalathala ng mga taong-gawa na online na nilalaman sa iba’t-ibang mga industriya (halimbawa, karamihan ng mga pangunahing kompanya ng balita at mediya sa buong daigdig) ay tumutugon sa pamamagitan ng pakikipagkasunduan ng mga paglisensya ng mga nilalaman nila kasama ang mga kompanyang AI at pagtataas ng mga bayarang harang upang maikanlong ang sarili nila laban sa abusadong paggamit. Ang mga paghihigpit na ito ay lalong binabawasan ang pagkakaroon ng libreng, mataas na kalidad na kaalaman para sa pangkalahatang publiko.

Mga alitan sa walang kinikilingan at napatutunayan na kaalaman ay bumabanta sa mga daanan papunta sa mga proyekto ng kaalaman at kanilang mga taga-ambag. Noong nakarang taon, itinampok namin na ang pamamahala ng buong daigdig ay patuloy na nagpapakita ng mga hamon at pagkakataon sa mga online na proyektong pangbahagi ng kaalaman na nagiiba batay sa hurisdiksyon. Ngayong taon, mga hamon sa pagbabahagi ng tunay at walang kinikilingang na online na kaalaman ay makabuluhang dumarami. Ang pampublikong sama-samahang pagkaintindi sa mga konsepto tulad ng “katotohanan” at “pagkawalang kinikilingan” ay patuloy na nabibiyak at napupulitika. Ang mga grupong mayroong tinatanging interes, mga taga-impluwensya, at ilang mga pamahalaan ay patuloy na pinapahina ang kredibilidad ng mga online na pinagmumulan na hindi nila sina-sangayunan. Ilan din ay sinusubukang patahimikin ang mga pinagmumulan ng kaalaman gamit ang pampayamot na paglilitis.

Sa buong daigdig, parami ng parami ang mga batas na sinusubukang pamahalaan ang mga online na plataporma ng teknolohiya na hindi nagbibigay ng puwang para sa mga platpormang hindi-pangkalakal na nabubuhay para sa pakinabang ng publiko, tulad ng inisyatibang open source, mga galing-madla na kaalaman at sisidlan ng pamanang kultura, at mga online na arkibo. Ang mga pangkalahatang pamamahala ng online na ito ay bumabanta sa pribasiya ng mga taga-ambag at madla sa mga platapormang ito, at isapanganib ang mga paraan ng pamayanang pagtitimpi ng nilalaman. Halimbawa, ang mga batas na pinpilit ang mga plataporma na ipatunay ang pagkakakilanlan ng at mga gawain ng mga bisita at taga-ambag ay maaaring ipanganib ang pribasiya at kaligtasan ng mga tao na makahanap at makibahagi sa kaalaman. Ang mga regulasyon na pinipilit ang mga plataporma na madaliang burahin ang nilalamang tinatakang maling kaalaman ay sumasalungat sa mga naroon-na na pananggalang upang batiin ang maling kaalaman na nasa mga plataporma na tumatakbo gamit ang pamayanang kaintindihan, na pinahahalagahan ang katumpakan kaysa ang kita.

Ano ang susunod at paano ka makakasali sa usapan

Tulad ng dati naming mga balita sa pamayanan tungkol sa mga uso, hidni ito isang kabuoang listahan ng mga banta at pagkakataon na hinaharap ng kilusan natin, ngunit isang paraan na simulang pag-usapan at paghanayin kung paano natin makakamit ang kinakailangan ng mundo sa amin sa ngayon habang sinisimulan naming planuhin ang sumusunod na taon ng pananalapi. Mas maaga noong taong ito, ang Punong Produkto at Teknolohiyang Opisyal na si Selena Deckelmann ay inanyayahan ang ating pandaigdigang pamayanan na ibahagi ang mga kausohan at pagbabago na pinakamahalaga sa kanila – hinihikayat namin na ituloy niyo ang usapang ito sa usapang pahina na ito. Sa mga sumusunod na taon, ilalathala ng Pundasyong Wikimedia ang kanilang balangkas na taunang plano upang ilahad ang aming iminumungkahing trabaho sa susunod na taon patugon sa mga uso na ito. Ilan sa trabahong ito ay isinasagawa na; halimbawa, upang batiin ang pagbawas ng mga panibagong patnugot, nagdadagdag kami ng mga panibagong uri ng “edit check,” mga matalinong pamaraan upang gawing madali ang makabuluhang pamamatnugot sa mobile para sa mga bagong dating at dagdagan ang posibilidad na tuloy silang makiambag. Inaabangan namin ang higit pa na pamayanang usapan sa mga paraan na mapro-protektahan at mapapaunlad ang aming mga proyekto ng libreng kaalaman sa isang nagbabagong sosyo-teknikal na tanawin.

Can you help us translate this article?

In order for this article to reach as many people as possible we would like your help. Can you translate this article to get the message out?