Ang orihinal na bersiyon ay isinulat ni VZP10224 sa wikang Hapones.
Noong ika-1 ng Hunyo, 2025, isang araw pagkatapos ng Open Source Conference sa Nagoya ay nagsagawa ang Wikimedians of Japan User group ng isang moku-moku meet-up sa isang nirentahang conference room sa Nagoya.
Noong araw na iyon ay may apat lamang na kalahok kung kaya’t ito’y naging isang maliit at malapit na pagtitipon-tipon ng limang tao, kasama na ang mga iba na kadalasan ay aktibo sa ibang mga Open Source Community.
Kahit na ito’y tinawag na moku-moku meet-up, ang mga taong nagtipon-tipon ay yaong mga karaniwang maliit lang ang pagkakataong magkita at makapag-usap, kung kaya’t nagamit namin ang malaking bahagi ng oras sa pakikipag-usap sa halip na magtrabaho nang husto. Gayunpaman, sa tingin ko iyon ay isa ring makabuluhang paraan upang magamit ang oras.


Mula ngayon, tinatawagan namin ang ibang mga komunidad na lumalahok sa OSC na lumahok sa amin at sisimulan namin ang aming pagsisikap tungo sa pagpaparami ng bilang ng mga kalahok.
Can you help us translate this article?
In order for this article to reach as many people as possible we would like your help. Can you translate this article to get the message out?
Start translation