Mag-apply para sa isang scholarship sa Wikimania 2025

Translate this post

Ipinagdiriwang ng Wikimania ang ika-20 taon nito sa kauna-unahang edisyon nito sa East Africa, at malugod kang inaanyayahan! Sa personal man o online, nais naming makasama ka sa paggunita sa 20 taon ng mga pandaigdigang pagtitipon na nagpapatibay sa paraan ng aming paglikha at pagbabahagi ng libreng kaalaman.

Para sa mga interesadong dumalo sa kumperensya sa Nairobi, ang Core Organizing Team ay naglulunsad ng mga aplikasyon ng scholarship sa unang bahagi ng taong ito. Ang aming pag-asa ay gumawa ng mga kaayusan sa paglalakbay hangga’t maaari para sa mga tinatanggap na iskolar.

Mag-apply para sa isang scholarship upang dumalo sa Wikimania 2025 sa Nairobi bago dumating ang ika-8 ng Disyembre 2024.

Mga detalye ng Kumperensya

Inihatid sa iyo ng isang pangkat ng mga Wikimedian mula sa buong rehiyon ng East Africa, ang tema ng Wikimania 2025 ay magiging “Wikimania@20: Inclusivity. Impact. Sustainability.” na naglalayong ipagdiwang ang mga milestone at epekto ng ating kilusan habang nagbibigay daan para sa mga talakayan tungkol sa mga istratehiya at mga hakbangin na nagtitiyak sa pagpapatuloy ng mga proyekto ng Wikimedia at pagiging kasama sa kilusan.

Magaganap ang kumperensya mula Agosto 6-9, kasama ang mga aktibidad bago ang kumperensya na pinaplano din sa Agosto 5. Higit pang mga detalye tungkol sa programa at lugar ay ibabahagi sa lalong madaling panahon.

Mga detalye ng aplikasyon

Hinihikayat ka naming simulang gawin ang iyong aplikasyon sa scholarship ngayon. Susuriin ang mga aplikasyon batay sa iyong pakikilahok at pakikipag-ugnayan sa pagtataguyod ng katatagan at pagpapanatili ng aming kilusan – ito man ay nasa online o offline na mga aktibidad. Pakitiyak na idedetalye mo ang iyong mga ginawang kontribusyon sa kilusan ng Wikimedia abot sa kasalukuyan, na nakatuon sa epekto ng mga kontribusyong iyon at suportado ang iyong mga punto sa pamamagitan ng mga link kung saan maari. Ang mga Wikimedian mula sa rehiyon ng East Africa, gayundin ang mga Wikimedian na may extended user rights, ay partikular na hinihikayat na mag-apply –umaasa kaming magagawang mapadali ang pagbabahagi ng mga kasanayan sa loob at mga rehiyon sa pamamagitan ng kaganapan sa taong ito.

Saklaw ng mga scholarship ang paglalakbay, tirahan at pagpaparehistro. Tulad ng mga nakaraang taon, hihilingin sa mga iskolar na magboluntaryo ng 4-6 na oras sa kurso ng Wikimania, na may opsyong magboluntaryo ng mas maraming oras kung nais. Ang lahat ng tatanggap ng iskolarsip ay sasakupin ng Wikimedia Foundation Travel Insurance Policy.

Aabisuhan ang mga aplikante sa resulta ng kanilang aplikasyon sa Marso.

Mga Tanong?

Maaari kang magbasa nang higit pa sa Wikimania Wiki at makipag-ugnayan sa pangkat para sa anumang mga katanungan sa wikimania-scholarships@wikimedia.org.

Karibuni Nairobi!

Tignan ang pahayag ukol sa privacy ng survey.

Can you help us translate this article?

In order for this article to reach as many people as possible we would like your help. Can you translate this article to get the message out?