Inilalabas na ng Pundasyong Wikimedia ang mga pansamantalang account para sa mga di-nakarehistro (naka-log-out) na patnugot sa ilang mga wiki. Ang mga pamayanan nila ay mayroong pagkakataon na subukan ito at magbigay ng komento upang butiin ang katangiang ito bago ito mailabas sa lahat ng mga wiki ng kalagitnaang 2025.
Sa karamihan ng mga wiki, ang mga pagbabago ng mga naka-log-out na patnugot ay naiuugnay sa IP address na ginagamit nila sa panahon ng paglathala ng pagbabago nila. Ang IP address ay isang natatangi na numero na kumikilala sa isang aparato na nakakabit sa Internet. Ang mga pansamantalang account ay isang bagong uri ng account na makikita sa 12 na wiki, at sa susunod na taon, kahit saan. Gagamitin ito upang iugnay ang mga panibagong pagbabago na gawa ng mga naka-log-out na tagagamit sa halip na mga IP address. Ngunit hindi ito magiging eksaktong pagbabago. Una, ang mga pansamantalang tagagamit ay magkakaroon ng mga kakayahan na sa-ngayon ay hindi nakakaya ng mga naka-log-out na patnugot. Pangalawa, ang mga proyektong Wikimedia ay tuluyang makakagamit ng mga IP address nga mga naka-log-out na patnugot, at mananatili ang kakayahan ng mga sanay na tauhan ng pamayanan na makita ito. Ang pagbabagong ito ay pinakanaiuugnay sa mga naka-log-out na patnugot at lahat ng gumagamit ng mga IP address kapag humahadlang ng mga tagagamit at pinapanatiling ligtas ang mga wiki.
Ito ay isa sa isang hanay ng mga paunawa patungkol sa mga pansamantalang account. Nagbibigay ito ng pangkahalatang-ideya ng mga batayan ng proyektong ito, ang epekto nito sa mga iba’t-ibang pangkat ng tagagamit, at ang plano para ipasok ang pagbabagong ito sa lahat ng mga wiki. Ang susunod na paunawa namin ay magbibigay ng mas maraming detalye tungkol sa paraan kung saan kami ay nakikipagtulungan kasama ang mga tauhan ng pamayanan na mayroong mataas na teknikal na karapatan. Alinsunod sa kanilang payo, isinasama namin ang mga paglalabas na ito sa mga tukoy na pagpapagana nito.
Legal na dahilan para sa pagbabagong ito
Ang mga nagbabagong batas at kautusan tungkol sa pribasiya sa internet ay pinangangailangan ng mga proyektong Wikimedia na pangalagaan ang personal na datos ng mas matibay. Upang makamit ang kailanganing ito, dapat palitan ng Pundasyong Wikimedia ang paraan kung saan nakikipag-ugnayan ang mga naka-log-out na patnugot sa mga wiki, at kung paano hinahawakan ang kanilang personal na datos. Ang sagot dito ay ang pagpapakilala ng mga pansamantalang account – ito ay magpapabuti ng pribasiya ng mga naka-log-out na patnugot. Upang matuto pa tungkol sa mga pansamantalang account, tignan ang legal na bahagi sa aming FAQ at ang 2021 na balita mula sa pangkat Legal.
Paano gumagana ang pansamantalang account
Pinapayagan ng mga proyektong Wikimedia na mamatnugot ang kahit sino, gumawa man o hindi ng isang account. Isa ito sa aming prinsipyo sa pagtatatag. Pag ang isang pagbabago ay nagawa gamit ang isang nakarehistrong account, ang pagbabago na ito ay nakaugnay sa account na iyon sa iba’t-ibang mga talaan at pahina tulad ng Mga Huling Binago o ang kasaysayan ng pahina. Pag ang isang pagbabagyo ay nagawa na hindi gamit ang isang account, ang pagbabago na ito ay iuugnay sa isang kusang-mabubuo na pansamantalang account. Ang pansamantalang account na ito ay mabubuo sa ngalan ng naka-log-out na patnugot at mananatili ng 90 na araw. Lahat ng mga sumusunod na pagbabago sa aparato na iyon ay maiuugnay sa parehong pansamantalang account.
Ang pangalan ng account na ito ay sumusunod sa sumusunod na padron: ~2024-1234567 (isang tilda, ang kasalukuyang taon, isang numero). Kusa na tumataas ang numero, upang ang susunod na tagagamit ay mapapangalang ~2024-1234568, at iba pa. Hindi mapipili ng mga tagagamit ang pangalan na ito.
Parehong account ang magagamit, kahit mag-iba ang IP address nila, maliban kung binura ng tagagamit ang cookies ng browser nila o gumamit ng ibang aparato o browser. Ang isang talaan ng IP address na ginamit sa panahon ng pagbabago ay mananatili ng 90 na araw matapos ang pagbabago. Ila lang sa mga naka-log-in na tagagamit ang makakakita nito.
90 na araw matapos ang paggawa ng account, mapapaso ang cookie na iyon. Lahat ng mga nailathala na pagbabago ay mananatiling naka-ugnay sa account nito, ngunit ang tagagamit, sakali na sila ay manatiling mamatnugot habang naka-log-out, ay mabibigyan ng bagong pansamantalang account. Hindi maaring gawing naka-rehistrong account ang mga pansamantalang account. Upang matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga pansamantalang account, tignan ang aming pahina pangtulong.
Saan gumagana ang mga pansamantalang account
Ang mga pansamantalang account ay kasalukuyang gumagana sa mga Wikipedia sa wikang: Cantonese, Danish, Igbo, Norwegian bokmål, Romanian, Serbian, Serbo-Croatian, at Swahili, at pati rin sa Czech Wikiversity, Italian Wikiquote, Japanese Wikibooks, at Persian Wiktionary.
Ano ang bungo nito sa mga iibang pangkat ng tagagamit?
Para sa mga tagabasa na walang account sa Wikipedia
Walang magbabago! Kapag hindi ka namamatnugot, hindi naka-log-in, at nagbabasa lamang ng Wikipedia (o gumagamit ng Wikidata, Wikimedia Commons, atbp.), walang magiiba sa inyong pananaw.
Para sa mga naka-log-out na patnugot
- Dumaragdag ito sa pribasiya: sa kasalukuyan, kapag hindi ka nag-rehistro ng isang account upang mamatnugot, nakikita ng lahat ang IP address na ginamit mo para sa mga pagbabago na ginawa mo, kahit lampas ng 90 na araw. Hindi na ito maaari para sa mga wiki na gumagana ang mga pansamantalang account.
- Kapag gumamit ka ng isang pansamantalang account upang mamatnugot sa iba’t-ibang lugar sa huling 90 na araw (tulad ng sa bahay at sa isang kapihan), ang kasaysayan ng pamamatnugot at ang mga IP address para sa lahat ng mga lugar na iyon ay sama-samang maitatala, para sa parehong pansamantalang account. Ang mga tagagamit na pasok sa mga kinakailangan ay maaaring tignan ang datos na ito. Kapag ito ay gumagawa ng mga personal na alalahaning pang-seguridad para sa iyo, makipag-ugnayan sa
talktohumanrights at wikimedia dot org
para sa abiso.
Para sa mga kasapi ng pamayanan na nakikipag-ugnayan sa mga naka-log-out na patnugot
- Ang isang pansamantalang account ay naiuugnay sa isang tanging aparato. Sa paghahambing, ang isang IP addres ay maaring ibahagi sa iba’t-ibang mga aparato at tao (halimbawa, ang iba’t-ibang mga tao sa isang paaralan o trabaho ay maaaring gumamit ng parehong IP address).
- Mas matibay ang pagkakakilanlan ng isang pansamantalang tagagamit kumpara sa isang IP na tagagamit. Pag makita mo ang kanilang pagbabago, at nag-iwan ka ng isang mensahe tungkol dito sa kanilang pahinang usapan, maaaring makita ng tagagamit na ito ang mensahe na iyon, kahit naglipas na ang panahon.
- Sa ilang mga aspeto, ang mga pansamantalang account ay gumagana tulad ng mga naka-rehistro na account. Maaaring magdagdag kami ng mga katangian para sa kanila sa hinaharap. Tulad ng nakikita sa screenshot sa itaas, ang mga pansamantalang tagagamit ay maaring makakuha ng mga balita. Maaari ring pasalamatan sila para sa kanilang mga pagbabago, i-ping sila sa mga usapan, at mas isali pa sila sa pamayanan.
Para sa mga tagagamit na kinakailangan ang datos ng IP address upang pamagitan at panatilihin ang wiki
- Para sa mga nagpapatrolya na sinusubaybayan ang mga patuloy na naga-abuso, sinisiyasat ang mga paglabag ng mga patakaran, atbp.: Ang mga tagagamit na pasok sa mga kinakailangan ay makakapagbunyag ng mga IP address ng mga pansamantalang account at lahat ng mga ambag na gawa ng mga pansamantalang account mula sa isang IP address o saklaw. Makikita din nila ang mga kapaki-pakinabang na kaalaman tungkol sa IP address na iyon salamat sa IP Info na katangian. Marami din na ibang piraso ng software na binuo o isinaayos upang gumana kasama ang mga pansamantalang account, tulad ng AbuseFilter, mga pandaigdigang block, Global User Contributions, at iba pa.
- Para sa mga tagapangasiwa na humahadlang ng mga naka-log-out na patnugot:
- Maaaring humadlang ng maraming mang-aabuso gamit lang ang kanilang mga pansamantalang account. Ang isang hinahadlang na tao ay hindi maaaring gumawa ng mga panibagong pansamantalang account kapag ginamit ng tagapangasiwa ang “autoblock” na opsyon.
- Maaari paring hadlangin ang isang IP address o isang saklaw ng IP.
- Kami ay kasalukuyan at tuluyan pa na magtratrabaho kasama ang mga ibang tagagamit na mayroong mataas na karapatan, tulad ng mga katiwala. Gamit ang mga napakahalagang komentaryo at katanungan mula sa mga tagagamit na ito, binago namin ang mga kagamitan at nagtakda ng mga palabasan ng mga katangian kasunod ang mga pagbabagong ito.
- Ang mga pansamantalang account ay hindi pabalik na malalagay sa mga dating ambag na nagawa bago ang paglabas nito. Sa Natatangi:Mga inambag, makikita mo ang mga dating ambag ng mga IP na tagagamit, ngunit hindi ang mga bagong ambag na ginawa ng mga pansamantalang account sa IP address na iyon. Sa halip nito, dapat gamitin ng mga tagagamit na pasok sa mga kinakailangan ang Natatangi:IPContributions para dito.
Kailan ilalabas ang mga pansamantalang account sa iba pang mga wiki?
- Tulad ng sabi namin, inilabas na ang pansamantalang account sa unang pangkat ng mga wiki. Ang yugtong ito ay tinatawag na “minor pilot deployment”. Matutulungan kami nito na kilalanin ang mga suliranin na kailangang ayusin bago gamitin ang mga pansamantalang account sa mas marami pang mga wiki. Kinakailangan namin makita kung paano nakikipag-ugnayan ang mga kasapi ng pamayanan sa mga pansamantalang account, at kung lahat ng kasalukuyan at bagong kagamitan ay maayos, kung maginhawang ginagawa ng mga sanay na tagagamit ang kanilang karaniwang gawain, atbp. Tuloy-tuloy naming susubaybayan ang epekto ng proyektong ito at pana-panahong magbahagi ng mga ulat. Maaaring tignan ang isang publikong dashboard na mayroong kasalukuyang datos.
- Kapag wala kaming maraming hindi-inaasahang karagdagan na gawain, pagdating ng Pebrero 2025, ilalabas namin ito sa mas malaking mga wiki. Tinatawag namin itong “major pilot deployment”. Maaaring isama dito ang mga nangungunang 10 na wiki na ihinayag ang kanilang interes (sumulat sa amin dito). Ngunit, nais namin na hindi maglabas sa Wikipediang Ingles sa oras na iyon.
- Susunod, sa kalagitnaang 2025, ilalabas namin sa lahat ng natitirang wiki sa isang maingatang-pinagtugma na hakbang. Matapos ito, magbibigay kami ng tulong, magbabantay ng mga datos, at maglulutas ng mga suliranin habang sila ay nagpapakita.
Gagawin namin ang aming pinakamabuti upang ipaalam ang lahat ng maaapektuhan ng maaga. Ang kaalaman tungkol sa mga pansamantalang account ay makikita sa Tech News, Diff, iba pang mga blog, iba’t-ibang wikipage, bandila, at iba pang uri. Sa mga pagpupulong, kami o ang mga kasamahan sa ngalan namin ay nag-aanyaya ng mga dadalo upang pag-usapan ang proyektong ito. Karagdagan dito, nakikipag-ugnayan kami sa mga kaakibat na nagtatakbo ng mga programang pang-tulong ng pamayanan.
Sumuskribi sa aming bagong balitaan upang taimtim na makarinig pa. Upang matuto pa tungkol sa proyektong ito, tignan ang FAQ at ang mga huling pagbabago. Kausapin kami sa aming pahinang pam-proyekto o sa labas ng mga wiki. Paalam!
Can you help us translate this article?
In order for this article to reach as many people as possible we would like your help. Can you translate this article to get the message out?
Start translation