Naranasan mo na ba na humiling ng isang panibagong kagamitan o katangian na magpapadali ng pamamatnugot sa mga wiki? Upang tumubo at umunlad ang mga proyektong Wikimedia, kinakailangan ng mga kusang-loob ang software na tumutulong sa kanila na magsulat, bumanggit, mag-upload, at makipagtulungan ng mas madali at sa mga iba’t-ibang wika. Bumubuo at nagpapanatili ng software ang mga pangkat Produkto sa buong taon, at sinisikap ang pakikipagtulungan kasama ang mga kusang-loob upang buoin, suriin, at humain ng mga pagbubuti. Upang tulungan ang pakikipagtulungan na ito, ibinukas na mula ng Pundasyon ang isa sa aming mga pangunahing paraan ng mga teknikal na mungkahi at ideya: ang Pamayanang Hilingan.
Ang Pamayanang Hilingan ay ang pagtitipon ng Wikimedia para sa mga kusang-loob na ibahagi ang kanilang mga ideya (na tinatawag na hiling) upang mapabuti ang pagtakbo ng mga wiki. Kasalungat sa dating uri nito, ang hilingan ay laging bukas, at maaring magpasok ng mga hiling sa kahit anong wika. Dapat sinasalamin ng mga hiling ang mga produkto at teknikal na mga hamon na hinaharap ng mga kusang-loob, at bigyan ng lugar ang mga taga-develop, taga-design, at inhinyero na sumama sa mga tagagamit upang bumuo ng mga kalutasan ng sama-sama. Pagpasok ng bawat hiling, susuriin ng mga pangkat ng Pundasyong Wikimedia, mga kusang-loob na developer, at mga kaakibat ng Wikimedia ang mga bukas na hiling at pipiliin ang mga pook na pagbubuoan.
Maaring makisali ang mga kusang-loob sa Pamayanang Hilingan sa tatlong antas: pagpasok, pagboto, at pagbuo.
- Magpasok ng Hiling: Pinapayagan ng panibagong Pamayanang Hilingan na ibahagi ng mga kusang-loob ang kanilang mga hiling sa wikitext at sa Visual Editor, at gamit ang kanilang wikang nais. Maari din magpasok ang mga kusang-loob ng kahit ilang hiling na gusto nila, sa kahit anong oras, subalit dapat sila ay nakapasok sa MetaWiki. Ganito magsimula:
- Hanapin ang tahanang pahina ng Pamayanang Hilingan at pindutin ang “Submit Wish,” matapos nito ay sagutin ang sumusunod na kinakailangang patlang:
- Name: isang pangalan para sa iyong hiling
- Description: ang suliranin na nais mo lutasin.
- Type: isang hiling para sa katangian, ulat ng isang teknikal na problem, isang pagbabago sa sistema, o iba pa.
- Project: Mga proyektong wiki na nauugnay sa hiling.
- Affected users: Isang paglalarawan mga tagagamit na makikinabang pag nalutas ang hiling na ito
- Maari din magbigay ang mga tagagamit ng tiket sa Phabricator
- Pindutin ang Submit. Tapos!
- Bumoto sa mga Lunduyan: Susuriin ng mga pangkat ng Pundasyong Wikimedia ang bawat isa sa mga bagong hiling para sa kaugnayan at katapusan at, kapag naari, isasama ito sa isang Lunduyan, na bumabahagi ng isang kumpol ng mga hiling na magkapareho ang ugat na suliranin. Sa simula, bubuoin ng Pundasyon ang mga Lunduyan, at maaaring bumoto at magkomento ang mga kusang-loob sa mga Lunduyan upang maghudyat ng mga pagkakataon na kinakailangan ng pangunguna.
Matapos ito, isasama ng mga pangkat ng Pundasyong Wikimedia ang mga Lunduyan bilang bahagi ng Taunang Plano. Ito ay isang mahalagang pagkakaiba sa huling hilingan, kahit ilang pangkat ng Pundasyon ay nagtrabaho upang makamit ang mga hiling ng pamayanan (tignan ang: Dark Mode, Edit Check), hindi ito nagawa ng tuloy-tuloy at sa sukat. Mula ngayon, magsisilbi ang hilingan bilang isang tampulang tubo para sa pagpapalabas ng mga kailanganing teknikal ng pamayanan sa taunang pagpaplano ng Produkto & Teknolohiya, kung saan ginagawa ang mga paghahatol ng mapagkukunan. Mula 2024-5, tinuon ng Pundasyon ang di bababa sa dalawang pangkat (Pamayanang Tech at Kagamitang Tagapamagitan) na suriin ang Hilingan, kupkupin, at sagutin ang mga Lunduyan. Habang sinusuri namin ang mga puna ng pamayanan sa mga Lunduyan, maari din na kupkupin ng mga ibang pangkat ang mga Lunduyan sa taong ito. Pagdating ng 2025-2026, inaasahan namin na mayroong mas maraming hiling na maisasama sa tauanng plano, kasama ang pakikilala na hindi lahat ng mga hiling ay maisasama sa isang Lunduyan, at hindi lahat ng mga hiling at Lunduyan ay pagtratrabahuan ng Pundasyon.
Ipapakilala namin ang una naming pulutong ng mga Lunduyan sa Wikimania, at inaanyaya namin nag mga kusang-loob na makipagtulungan sa amin sa mga Lunduyan ng kinabukasan.
- Bumuo ng mga kalutasang teknikal. Ang Pundasyon, mga kaakibat, at mga teknikal na kasapi ay maaring kumupkop ng mga Lunduyan at manatiling nakikipagtulungan sa mga patnugot upang mas lalong ipalaganap at bumuo ng isang bagong ideya.
Mahalaga ang Pamayanang Hilingan upang bumuo ng isang maramihang-salinlahing kilusan; upong bumuo ng napapanatiling software, kinakailangan naming makarinig mula sa, at makipagsama sa mga kusang-loob tungkol sa mga hamon at pagkakataon upang ipabuti ang aming produkto at teknolohiya. Kahit sino sa kilusan ay maaaring makisali sa mga Hiling, at makipagtulungan kasama ang mga iba pang kusang-loob at ang Pundasyong Wikimedia upang gumawa ng mas nabubuting software.
Kami ay nasasabik na buksan muli ang Pamayanang Hilingan kasama kayo, at hindi namin nahihintay na makita ang mga hamon at pagkakataon na maibabahagi ninyo sa isa’t-isa.
Can you help us translate this article?
In order for this article to reach as many people as possible we would like your help. Can you translate this article to get the message out?
Start translation